Monday, June 14, 2010

Spontaneous Combustion


ni Joan Arceo

See, last night I was planning to compose a list of New Year's resolutions, having these guilt-trips and the occasional hormonal mood swings. It progressed to about 5 intermediate pads in length, but then it got pointless. If I really actually attempted to think about writing down everything that needed to be changed about myself, the whole volume of Britannica encyclopedia would pale in comparison to its length.

Right, I threw the list to the bin.

But then I remembered that my last year's resolution was to “create a list the following year”... and this happened to be "the following year". Before I decided to make the same mistake again this year, I realized something needed to be changed here.

So I posed this question to myself : Why is the self difficult to discipline?

The spontaneous enlightenment thus begun.

The question suddenly retold me the myth about Prometheus, who gave Fire to the world. Fire is something that is uncontrollable, dangerous, and if not handled properly could yield to mass destruction. And yet, Fire has remarked the beginning of an unspoken civilization, a passage for the dark years of the barbarian to find warmth, food, and enlightenment. Fire has long been the main icon in symbols like the torch for wisdom, or the Olympics connoting the first Athenian marathon. And yet, fire has been closely related to the deep fiery pits of hell, defining eternal tormentation and punishment.

Suggestively, I liken the self to Fire.

With something so great waiting to be unlocked and let loose full potential, the Fire of self becomes an entity of its own. It has been unknowingly there inside all of us, trying to find a master for a direction to follow. Having been unnoticed and unnourished for a long time, it grows stubborn and uncontrollable --- and often refuses to gain restriction and confinement. This makes it hard for us to grasp it, much more to lead it; and often times we wouldn’t even notice that we are burning ourselves out with wild fire. The self, with its worldly nature, may be paralleled with the dangerous nature of fire. It could easily spread and cause harm if it is just left lying around with no one putting it on the tip of a torch.

The “self” doesn’t work alone; it needs something to brace itself from doing harm and growing uncontrollably. This is where the wisdom of Character and Principles comes in to play. Just like how early races emerged into a new civilization using a tiny spark of fire, human wisdom has the ability to make something great out of our ordinary abilities by using a strong fist of character and principles to work it up. It takes a large dose of discipline and mastery of the self to be able to control such huge entity and to what purpose one would yield it to. Often times, character and principle are not enough to make the most out of the fire that we contain. It also takes a right Heart to be able to multiply it; by aiming it towards other people, and in effect giving them the benefits of the warmth and light of one’s Fire. These three, I think, are the sole foundations of the strong civilizations that emerged with Prometheus’ gift to the world.

But of course, these are only idealistic notions of modern day living, and the “virginity” of the Fire isn’t that free from other strings anymore. Like how the wind can hasten the spreading of fire into a frenzy, outward forces could also sway the self from its directed goal. Acting on its worldly nature, it is easy for distractions and procrastination to win over the control of the “self”... and it is often so convenient for us that we even make up excuses to give into it. It is no longer enough to rely on ourselves for guidance, and we are definitely not to chastise ourselves with wire braces.

This is where the help from other people --- who in one way or another has managed to touch the fire of our lives because of genuine concern --- come in to play. We rely to them in trying times; when we need harnessing and are too blinded by the mess made by our mistakes. It takes the help of people who shares the same character, principle and heart with you to help you direct your path, and thus the need to surround yourself with such. A strong helping hand could compensate for the weak resistance to distractions.

Just like how the fire could yield to something useful or harmful, the self has the capability to make something good or bad out of its God-given sparks. But whatever comes out of it nevertheless affects its surrounding environment and how it extends to the community, and its direction is literally in our hands.


_______________________

Si Joan Arceo (3 BS Mgt) rin ang nagsulat ng sanaysay na pinamagatang "Gravity" tungkol sa estado ng edukasyon at ang pag-asa kasabay nito.

Gravity

ni Joan Arceo

Sabi nga ni John Mayer, “…gravity wants to bring me down.”

Ayon sa National Statistics Office, mayroon lamang 8,455 na paaralan sa Pilipinas para sa 38,903,125 na high school students noong S.Y. ’07-’08. Kung anong dami naman ng estudyante ay siyang kaunti naman ng classrooms, kaya’t kinakailangang gawing dalawa hanggang apat na shifts ang mga klase sa maraming pampublikong paaralan – kung saan mayroong 70 hanggang 80 na estudyante ang magsasabay-sabay sa isang shift. Limang taon nang walang paaralang elementarya ang 267 na barangay sa bansa. Kulang sa classrooms, pasilidad, upuan, libro, study materials; at tila kailangan mo munang problemahin ang pakikipag-Trip-to-Jerusalem bago ka makapakinig nang maayos sa mga bagong leksiyon. Hindi ka rin makakaasa na gumagamit ng powerpoints o kung anu-ano pang AVP ang guro dahil 20% lamang ng populasyon ang marunong gumamit ng computer. Maliit lang ang sahod ng mga guro – higit kumulang P10,933 hanggang P12,997 lamang kada buwan – kung kaya’t karamihan ay nag-aabroad na lamang. May libreng libro nga mula sa gobyerno pero hindi ka naman sigurado sa kalidad ng mga nakasulat dito. Tinatayang may 27,924,770 na estudyante sa elementary noong 2005; 18,903,125 lamang ang nakapag-high school, at 6,685,949 lamang sa kanila ang nakatapak sa kolehiyo. Makagraduate man ay hindi siguradong tutugma ang magiging trabaho mo sa kung anuman ang tinapos mo dahil sa kakulangan din ng trabaho, kaya parang nakakawalang gana na rin ang magpakadalubhasa.

Kung pagbabago rin lang ang pag-uusapan, mukhang malaki-laking gravity ang kailangan mong lundagin.

Matagal nang malaking isyu ang kalugmukan ng sistema at kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa puntong ito ay hindi ko na kailangang dikdikin pa para himayin ang kung anupaman ang natitira dito upang ipaliwanag. Hinimay na ito ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mga NGOs, at pati narin ng ilang malalaking unibersidad. Sinubukan na itong lutasin sa pamamagitan ng Presidential Task Force on Education at ang pagdadagdag nito ng isa pang taon sa kolehiyo; inilunsad ang mga training programs upang isulong ang teknikal na industriya sa bansa tulad ng pagkakarpintero at pagwewelding; nagpamigay narin ng libu-libong scholarships para sa mga maralita. Lahat-lahat na. Ngunit sa halip na makausad ay kung anu-anong kritiko parin ang ipinantuligsa sa mga ito. Kesyo cinocommodify lang daw ang edukasyon o kaya’y lalong pinapalayo lang ang pagitan ng mga mayayama’t mahihirap. Gasgas na gasgas na sa gravity ang mga isyu ng edukasyon sa bansa. Ngunit sa dulo ng lahat ng ito, may nabago nga ba sa kalagayan ng edukasyong Pilipino?

Nakakalungkot,oo. Pero may iilang mga indibidwal parin na bumangon at hinarap ang agos ng gravity… at hinamon ito. Sila ang mga taong hindi nawalan ng pag-asa sa gitna ng lahat ng kalugmukan, at kahit na paulit-ulit pa silang hatakin pababa ng mga problemang tulad ng kawalan ng pondo o suporta mula sa gobyerno, nariyan parin silang patuloy na pinapaangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Nariyan si Efren Penaflorida at ang kaniyang Dynamic Teen Company, na naglalayong ilayo ang kabataang Pilipino mula sa mga kalsada at bigyan sila ng pagkakataong matamasa ang edukasyong para sa lahat. 16 years old lamang si Efren nang sinimulan niya ito kasama ang ilan sa mga kaklase niya, at noong Marso 2009 ay pinangaralan siyang CNN Hero of the Year para sa proyektong ito. Sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy niya ang kaniyang adhikain gamit ang napanalunan niyang $100,000.

If a child grows up… without getting this opportunity to be able to have quality education, I think the future isn’t going to be too bright for him or her. And it is not his fault.” Ito naman ang prinsipyong pinangatawanan ni Harvey Keh nang sinimulan niya ang Pathways to Higher Education, Alay ni Ignacio, at Kaya Natin. Gamit ang lakas at libog ng mga kabataang may kakayahang magturo at mamuno ay nakagawa siya ng isang sistematikong pagtugon sa pangangailangan ng karagdagang paghasa sa mga public high school students para sa hamon ng kolehiyo. Maliban sa pagbibigay ng pag-asa sa mga maralitang high school students ay nabibigyan din ng pagkakataon ang mga kolehiyalong volunteers na mahasa sa larangan ng pagtuturo o sa pagkadalubhasa sa kani-kanilang mga kurso.

Iilan man ang nakakakilala kay Julius, isang 3rd year public high school student sa Baguio City, sikat na sikat naman siya sa mga kamag-aral niya dahil sa sinimulan niyang tutorial program para sa ACET at UPCAT etong mga nakaraang buwan. Dahil sa pagkakakilala nila sa kakulangan ng kanilang kasanayan at pati narin ang kawalan ng mga taong makakatulong sa kanila para sa mga parating na entrance exam, siya mismo ang nagtipon sa mga pinakamahuhusay niyang kaklase at naglunsad ng sarili nilang libreng tutorial program.

Sa mga simpleng paraan ni “Kuya Jesse”, isang 4th year student ng BS CoE sa Ateneo na boluntaryo ng ANI bilang guro ng Physics, naipadama niya sa kaniyang mga estudyante ang pakiramdam ng pagkakaroon ng ikalawang tatay. Bagamat isa’t kalahating oras lamang ang nakalaan para sa klase niya, linulubos lubos naman niya pati pa ang lunch time at dismissal para lang ipaintindi sa mga estudyante ang Newton’s Laws at Projectile Motion. Ni minsan hindi rin siya nawala sa mga aktibidad ng mga estudyante niya gaya ng Sportsfest, Play-Making, Pisiklaban, at kung anu-ano pa. Isang martir na stage father, kung tawagin ng mga kasamahan. Ang malalim na pakikisama niya sa mga naging estudyante niya ay sinuklian nila ng malalim na pagtitiwala para sa kanilang edukasyon, at pati narin ng kanilang mga pangarap.

“Be the change you want to see in the world,” ika nga. Ang mga kuwento nina Efren, Harvey, Julius at Jesse ang nagbibigay-buhay sa mga katagang ito na ilang libong taon na ang nakalipas ngunit hindi parin nawawalan ng katotohanan. Pagbabago – mailap man ngunit kahit kailan ay hindi tayo sumuko. Sa pagdaloy ng gravity ng panahon, palaging mayroong pag-asa na mabago kung anuman ang nariyan na. Ngunit hindi maaaring nakikisabay na lamang tayo sa hatak ng agos sa lahat ng pagkakataon, kailangang malay ang pagsuong natin dito upang kung kinakailangang salungatin natin ang agos, handa tayo.

At nang sa gayo’y hindi lang puro pababa ang hatak.

____________________________

Si Joan Arceo (3 BS Mgt) ang kasalukuyang Cell Leader ng seldang Kaingin Uno Block Four ng AtSCA.